Monday, June 16, 2008

Sa awa ng Diyos. [;

Gash, hulaan niyo kung bakit ako masaya sa araw na ito! Bilis na.(:

Okay, walang nagtatanong. Haha. Sasabihin ko na nga lang. Ai, nagtampo? Hahaha. Osha, ito na ang magandang balita. NAKAPASA AKO SA DIAGNOSTIC TEST, FIL 11 PA RIN AKO! Oha, oha. Bongga! :DD

Pero may isa pa akong problema tungkol sa pahirap na kilala sa tawag na Diagnostic Test. Sa math din kasi meron! Nako, nakababanas talaga. Sana lang talaga makapasa ako sa test nito. Ayokong masira ang planado ko nang SUMMER! XD

So, isa pa sa mga bagay na bumabagabag sa mura kong isipan (Weeeh, Kiichi. Talaga lang, ha?) ay ang up and coming auditions ng CADs. Ito ang pinaikling tawag sa Company of Ateneo Dancers, in case you're wondering. Waaah. Kinapalan ko na talaga mukha ko sa pagkuha ng regform sa kanila. Nako, unang auditions pa lang yata wala na akong maibubuga. NAKAKATAKOT. NAKAKALOKA. NAKAKADISORIENT. NAKAKAKILIG. [;

Sige na. Kahit patuloy akong nag-iisip ng mga ilalagay ko rito, sadyang hindi ko na maipagpatuloy. Ang sakit na ng ulo ko. Oshasha.

Ingat kayo. :D

No comments: