Monday, June 02, 2008

The long wait is over.

Lalala. Sa wakas, registration na rin namin bukas! Haha. Ang tagal kasi eh. Yung ibang schools tapos na dito long way back pa.

Pero ibig sabihin nito, tapos na ang aking precious summmer. Gaaaaah. D; Hai, saya pa naman ng summer ko ngayon. Dami kasing nangyari. Street dance lessons, ILC Tagaytay, Youth Camp at kung anu-ano pa.[;

Share ko lang sa inyo ang aking mga random thoughts about sa registration bukas.

Una, I'm still torn between Physics and ES. Kasi kung Physics, mapapagpatuloy ko ang legacy na naiwan saken ni Ms. Soriano.(: Pero pag ES, pinakamadali daw na yun na NatSci subject. Waaa. Hayaan ko na muna, may mga 18 hours pa ako para makapag-isip ng mabuti. Haha.(:

Second, feeling ko mababaliw ako bukas. Sa dami ng tao, sa mahal ng tuition, sa ganda ng umaga, sa dami ng pupuntahan. Buti malapit lang sa isa't isa yung mga buildings na kailangan kong puntahan bukas. At, pupunta pa pala ako sa Guidance Office at magpapasa ng application form para sa 2 gate passes na kailangan ko makuha.

Third, masaya siguro makita yung iba kong schoolmates na nababaliw din.(:

Ikaapat, sobrang maninibago siguro ako sa mga klase ng tao na makikita ko bukas. May mga konyo, normal na tao (kagaya ko? Haha.), geeks, scholars at kung anu-ano pang uri ng nilalang na posibleng mabuhay sa Ateneo. Cliche ang sasabihin ko pero, ito na talaga yung sinasabi nila na from all walks of life na ang mga makaksalamuha mo sa college.

Ikalima, tagaktak ang pawis ko bukas lalo na kung hapon pa ako matatapos.

At ang pinakaimportante sa lahat, ano kayang itsura ko sa ID? Hahaha. Yun na ung ID ko simula ngayon. Maygahd. Hehe.(: Wasted siguro ako dun.[;

Random nga talaga ang mag pinag-iisip ko. Lalo na yung huli.(; Hehe.

Sususbukan kong magpost ng updates sa mga naramdaman, nararamdaman at mararamdaman pati naisip, naiisip at iisipin pa about sa mga susunod na araw, dahil DANDANANAN! OrSem namin.(:

Hahaha. To the big bunch of faces I'll be seeing starting tomorrow, see y'all.(:

No comments: