Ika-isandaan at sampung taon na ng ating Kalayaan mula sa mga kamay ng mga Kastila bukas, Hunyo 12, 2008.
Inaanyayahan ko ang bawat isa sa atin na tumigil sa kanilang gagawin sa anumang oras na inyong nais. Magdasal tayo para sa ikauunlad at ikakabuti ng ating bayan. Nawa'y hindi tayo mawalan ng pag-asa na magiging mabuti rin ang kalagayan ng Pilipinas sa takdang panahon. Nguni't. hindi iyon mangyayari kung hindi tayo magtutulungan na isabuhay ang ating mga plano upang malutasan ang mga kanser ng ating ikalawang milenyong lipunan.
Gaano man kasakit sa tainga pakinggan ang mga susunod na salita, pagpasensiyahan niyo na. Ipagmalaki natin ang ating dugong Pilipino. Alalahanin natin na mayroong dahilan ang Panginoon kung bakit Niya tayo binuhay sa mundong ibabaw bilang mga Pilipino. Huwag nating ipagkaitan sa ating bayan ang pagmamahal na kailangan nito.
Kung ako'y inyong tatanungin kung ano ang tunay na dahilan ng aking pagsusulat gamit ang wikang Filipino?
Isang bagsak nga riyan ng perkusyon! [;
Ang dahilang iyon ay ito: pagpapatuloy ng aming Diagnostic Test sa Filipino at mukhang ibabagsak ko ito. Patay.
Sige, magpapakalunod na muna ako sa dugong umapaw na mula sa pagkakadaloy nito sa aking ilong. ;]
No comments:
Post a Comment