Tuesday, June 05, 2007

Hello!



Raine, condolence ule. ; Nawa'y maging masaya ang kaluluwa ng iyong mahal na Lola sa Langit. :)




Ako ay naririto para lamang sa dahilan na ipaalam sa buong mundo ang kinababaliwan kong kanta sa kasalukuyan.

Ang kantang ito, sa pangalang "Ikaw Lamang," ay matagal-tagal na ring itinutugtog sa airwaves dito sa 'Pinas. Gayunpaman, tunay akong natutuwa sa kantang ito. Marahil, talagang maganda ang konsepto ng mga indibidwal sa likod nga kanta, ang bandang Silent Sanctuary, kaya't maganda rin ang kinalabasan. Ang lyrics at ang melody ay tunay na kaaya-aya sa pandinig. Ang lupet niyo, Silent Sanctuary!

Hanggang dito na lang muna, mga nilalang. ;)



Hindi ba kayo nagtataka na nakakabalinguyngoy ang aking mga salita? Ito'y dahil sa ikinararangal ko ang aking pagka-Pilipino! Buwan ng ating Kalayaan ngayon, kaya marapat lamang na ipagmalaki natin ang ating bansa, tama?


Sa lahat ng Pilipino sa buong mundo, MABUHAY TAYO! Kahit na maraming dagok na humahadlang sa atin para magtagumpay, makakaya natin ito! Huwag lang tayo mawawalan ng pag-asa. I-respeto natin ang bawat isa at tayo rin ay makakabangon sa kahirapan!


Kahit sa simpleng bagay, napakita ko ang pagmamahal ko sa aking bayan.


Ikaw, ano ang gagawin mo?

No comments: