Saturday, June 23, 2007

Hello. Haha.

Just dropped by to say Hi to the Blogging world! ;]

There. Everything in school has already begun to get busy. So expect to read less of me. ;[
I'll update with a decent post as soon as I have the time to do such. Alright? :)

See you then. I'm off. :D



"The education a man ever gets, is the education he gives himself."

Monday, June 11, 2007

MAPAYAPA AT MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN SA LAHAT NG MGA PILIPINO! :D
[Hayaan niyo na. Hatinggabi na sa orasan ko.]


Ang lupit ng mga araw na lumipas at ng araw na ito (sa totoo lang, kahapon na. Kaya lang nagsimula ako ika-onse pa.)

Una sa lahat, nabili ko ang pinakainaasam-asam kong bag para sa pasukan. :) Pangalawa, nakabili rin ako ng flash drive na maitatawag kong akin. Haha.


Pero..


Ubos ang badyet. Walang pera. Butas ang bulsa. Unang linggo ng pasok at wala kaagad allowance. Isang buwan o higit pa ang nahaharap kong panahon ng kagipitan. Haha. Ayos lang naman 'yon. Basta napasa-kamay ko rin ang mga bagay na 'yon! Pa'no ba yan, eh 'di gaganahan akong mag-aral niyan? Haha.



Sa lahat ng may pasok mamayang umaga, hiling ko lamang na maging masaya kayo. Sampung buwan lang naman, humigit-kumulang sa 40 linggo lamang ang pasok. Oha? Tama ba? Hehe. :D



Pero sa lahat ng mga inaasahang magtapos sa taong 2008, mapa-prep man (parang
maiintindihan nila ako), elementarya, mataas na paaralan o kolehiyo at pamantasan, kabilang na ako sa pangatlo, lubusin na natin ang nalalabing oras para manatili tayo sa kinalalagyan nating estado sa kasalukuyan. Huwag na tayong magloko! Gawin nating masaya at kapaki-pakinabang ang taong ito! Gawin natin itong paghahanda sa susunod na kakaharapin nating buhay. Hindi masama ang magloko, kahit kaunti, basta alam natin kung saan ang ating mga limitasyon. Tama? Kahit na alam kong hindi ko magagawa na talagang magtino, basta alam kong dapat hindi ko pabayaan ang aking pag-aaral, kasama na ang mga taong nagmamahal sa akin at ang Diyos. ;)



Hanggang dito na lamang ako. :D




MABUHAY TAYONG MGA PILIPINO! :]

Tuesday, June 05, 2007

Hello!



Raine, condolence ule. ; Nawa'y maging masaya ang kaluluwa ng iyong mahal na Lola sa Langit. :)




Ako ay naririto para lamang sa dahilan na ipaalam sa buong mundo ang kinababaliwan kong kanta sa kasalukuyan.

Ang kantang ito, sa pangalang "Ikaw Lamang," ay matagal-tagal na ring itinutugtog sa airwaves dito sa 'Pinas. Gayunpaman, tunay akong natutuwa sa kantang ito. Marahil, talagang maganda ang konsepto ng mga indibidwal sa likod nga kanta, ang bandang Silent Sanctuary, kaya't maganda rin ang kinalabasan. Ang lyrics at ang melody ay tunay na kaaya-aya sa pandinig. Ang lupet niyo, Silent Sanctuary!

Hanggang dito na lang muna, mga nilalang. ;)



Hindi ba kayo nagtataka na nakakabalinguyngoy ang aking mga salita? Ito'y dahil sa ikinararangal ko ang aking pagka-Pilipino! Buwan ng ating Kalayaan ngayon, kaya marapat lamang na ipagmalaki natin ang ating bansa, tama?


Sa lahat ng Pilipino sa buong mundo, MABUHAY TAYO! Kahit na maraming dagok na humahadlang sa atin para magtagumpay, makakaya natin ito! Huwag lang tayo mawawalan ng pag-asa. I-respeto natin ang bawat isa at tayo rin ay makakabangon sa kahirapan!


Kahit sa simpleng bagay, napakita ko ang pagmamahal ko sa aking bayan.


Ikaw, ano ang gagawin mo?