Sunday, March 04, 2007

I've missed doing this!

Haha. Tinamad kasi ako nung mga nakaraang linggo. Haha. Grabe. May nabasa rin ako na kapag adik ka sa blogging, ang pinaka-healthy na parte ng katawan mo ay ang mga daliri at kamay mo (courtesy ng Ed-in-Chief ng Games Master) dahil sila ang lagi mong naeexercise. Haha. Ayos no? Guilty ako kahit papaano. Hm, ayon. Nandito na rin lang ako sa "Create Post" window (dahil victorious ang pag-move ng blog ko sa Google) kaya - TANAN! blogging galore na!

Nakapagpa-reserve na ako ng Harry Potter and the Deathly Hallows! Maygad, hindi na ako makapaghintay. Sa wakas, makakaramdam na rin ako ng kakaibang excitement at tagaktak ng pawis makarating lang sa pila kaagad. Haha. Waaaah!

Last week naman, nag-GK ako. Super saya. Nagkaroon pa ng GK empowerment. Masaya kumain ng siopao na libre. Haha. Hindi naman ako napagalitan kahit roughly 3 hours akong late. Bakit hindi? Wala sina mama at papa sa bahay. Haha. Yun ung banat eh.

Last week din, February 23. Hapon, tumawag si Bettina sa bahay. Ibinalita sa akin na household head ako kasama si Mon2. Maygad, ang saya.

Tapos kahapon naman, na kina Karla ako. Umuwi ako ng seven. Hindi ako napagalitan kahit late na ako dumating at nasa bahay na pala tatay ko. Bongga, noh?

Nung friday, meeting de avance. Hindi kami nagspeech! Haha. Wala naman akong isinulat na speech. Kung baga, bahala na lang muna si Batman sa akin. Madaling araw ko na na-realize na meeting de avance nga pala in less than 6 hours! Haha. Eh, nagkataon pang LAST na First Friday Mass pa. First Reading ako. Grabe yung tension na magsalita ka ng salita ng Diyos sa harap ng buong HS body! Pero ginabayan Niya naman ako. Ang nakakalungkot sa araw na yun, last speech na nina Bettina. Hai. Wala na naman ang batch 2006-2007. Astig pa naman din ng batch na ito. Seniors, good luck sa inyo!

Ang dami ko na ring mababasang libro! Yippee! At may mechpen pa lang pink ang lead. Akalain mo yun. Iba na talaga ang teknolohiya ngayon. Lahat colored na.

Hanggang dito muna. Ingat! Godbless na rin. :D

No comments: