malaking bahagi ng puso at isipan ko ang sumasang-ayon sa sinabi mo, yong.
ewan ko ba. bakit nga ba nagkaroon ng malaking pagitan ang mahirap sa mayaman? ang masama pa roon, nagiging masa konkreto ang pagitang ito habang lumilipas ang panahon. swerte ko talaga na napunta ako sa buhay na ganito. siguro nilagay ako ng Diyos dito para makatulong sa kanila. sabihin mo mang ikaw iyong isa lang sa mga nag-aayos ng pagkain para sa mga bata, nakakataba na ng puso. maggupit ka lang ng straw, maglagay ng juice. ngumiti sa kanila, ayos na. masayang makatulong, kahit sa maliit lang na paraan.
paigtingin pa natin ang pagdarasal para sa ating mga kababayan, sa mundo. pero, hindi pa ito sapat. kailangan natin ng aksyon, mga konkretong pagsasabuhay.
and with that, may God be praised.
No comments:
Post a Comment