tatlo pang araw sa pagpasok sa taong ito at bakasyon na muli! paniguradong masaya iyon kahit na hindi natin makikita ang ating mga kaibigan, mga kaklase, kamag-aral, ang buhay na halos araw-araw, minu-minuto nating pinupunan. sino ba namang hindi gusto ang magpahinga kahit sa sandaling panahon lamang, 'di ba?
kanina iyong unang araw ng pinaunang Simbang Gabi dito sa may amin, sa simbahan sa olopsc. :D eh, dahil sa kakakain ko lang noong mga panahong iyon ng hapunan, napagdesisyunan kong tumayo na lamang sa may likod ng simabahan. habang nagbibigay ng sermon ang pari sa harap, normal na'ng may makikita kang mga tao pang paparating. tahimik akong nakatayo sa isang tabi tapos biglang sa may kanluran ko ay may isang nilalang na sobrang --- gwapo. nakasalamin, maganda ang pagkakaayops ng buhok, tama lang ang taas. grabe. iba talaga. :D noong una hindi ko siya pinapansin. pero wala lang. napansin ko siya talaga noong nagbigayan na ng kapayapaan sa isa't isa. pero kahit isang ruler o lampas pa ang layo niya sa akin, nakapagpatuloy pa rin naman ako sa pakikinig ng Misa.
hiling ko lang na makita ko siya muli. iyon lang.
~umaaasa akong masilayan kang muli. para kang isang panaginip na minsan lang sumagi sa aking isipan.~
No comments:
Post a Comment