never thought i'd end up this way.
halimbawa, may so-called kang kaibigan na parati niyo naman kinukumusta sa paraan ng text messaging. sa katunayan, hindi na siya makabago. pero, 'yon muna ang gawin nating puhunang-salalayan. ganito, balik tayo sa kaibigang ito. kapag naka-unlimited ako, siyempre mg-ggroup message ka. parang nasa sistema mo na'ng gawin 'yon, 'di ba? oh, basta. tanggap mo na rin na hindi lahat magrereply sa'yo. pero paano kung biglang isa sa mga kaibigan mo sabihin na nakakatanggap siya ng gm sa kaibigan niyong 'yon. eh, sa ganoon nangyari so parang ako sa loob-loob ko, 'bakit ako, hindi niya ako gni-gm?' haha. kung titingnan niyo, sobrang babaw nia. pero kung tutuusin, may point at sense 'yong mga bagay na pinagsasabi ko sa inyo ngayon. 'di ba? kung baga, ayon sa pansarili kong pananaw, KILALA NIYA LANG AKO KAPAG MAY KAILANGAN SIYA SA AKIN. kasi, kung kailan lang may tatanungin siya, saka lang siya magtetext. wala pang kamustahan 'yon. alam kong malaki ang pagkakamali ko, na husgahan ang taong ito. pero, 'yon at 'yon ang nakikita ko. buti pa 'yong iba na kahit wala2 lang, kinukumusta ka at pinapasaya ang araw mo, kahit papaano. umabot na rin ako sa point na halos magselos na ako't lahat. MALI ITONG GINAGAWA KO. WALA AKONG KARAPATAN NA MARAMDAMAN ANG MGA ITO. hai, tanggap ko na siguro na ganoon talaga siya, pero sana, in return, makita rin niya 'yong kahalagahan kung bakit ka ng-gGM.
ahaha, tama na ang drama na ito.
recollection kaninang umaga. aircon-iyakan-prayer-sharing galore. ayos naman, nakapagshare ako. at least, in a way, may naibahagi akong parte ng buhay ko. masarap, magaan ang pakiramdam. kahit na may mga pananakot na sinabi sa amin si ms. tingson, go pa rin. mahirap nga talaga ang third year. kailangan magsikap. maging matured na sapat para sa magiging kinabukasan mo. lalo ko pang napagbulay-bulay na mahalaga talaga ang PAMILYA, pagiging miyembro ng isang KOMUNIDAD, DASAL AT SARILING SIKAP. pati PAGMAMAHAL, PAGPAPATAWAD. kaunti pa lang ito sa mga bagay na dapat nating pahalagahan at pagyamanin. kung baga, nilagay ka sa kinalalagyan mo ngayon dahil may tungkulin ka na punuin ang pagkukulang ng mga tao sa paligid mo, pati sila mayroon din. sila ang pupuno sa buhay mo, sa mga pagkukulang mo bilang tao. lahat ng bagay may dahilan. nasa LIOBA ako dahil sa hindi ko pa mapagtantong paraan na nawa'y maintindihan ko rin. naging parte ako ng LUCY dahil alam ko na magmamahalan kami sa loob ng room 1o6. binigyan ka ng DIYOS ng imperfections para doon mo makuha 'yong lakas mo sa bawat oras na maagkamali ka, doon ka matututong lumaban at magbago.
masayang mabuhay. hindi pa ako handa mawala kayo sa akin. salamat sa inyo.
wha, drama no'n. soxalen. asensado na talaga. pero sa totoo lang, nagbahagi ako sa inyo ng mga bagay na alam kong magkakaintindihan tayo. love yourself, love those whom you rejected before, lalo na kapag hindi pa huli ang lahat. take the risk of welcoming life-changing chances in your life, grab the oppurtunity GOD has given you all these years you were alive to do what you want, to do what's right. mahalin mo pamilya mo, mga kaibigan mo. at lahat na. lay down everything to God, problems and pleasures sa buhay mo. allow Him to change your life.
AMEN.
No comments:
Post a Comment